Linggo noon. Nakatakda
ang araw na 'yon para sa date namin ng girlfiend ko. Pero tumawag s'ya
sa 'kin at sinabing cancel muna ang date dahil sasamahan niya daw ang
kanyang tita sa isang importanteng lakad. Sabi ko okay lang,
naintindihan ko. Subalit dahil wala akong gawa sa bahay at talagang
bored ako noon, ako na lang ang pumunta sa mall at nanood ng sine
mag-isa. Libang na libang ako sa paggagala sa mall, di ko alam na iyon
na pala ang katapusan ng mundo.